Nasaan Na Nga Ba ang Barkada Ngayon?

Unang araw ng klase. Wala tayong kibuan kahit panay ang pabida ng iba. Tahimik lang tayo sa isang tabi, nagmamasid sa kanila. Ngunit ang apat na sulok ng silid-aralan ay sadyang makapangyarihan. Kusa tayong nagpatangay sa agos ng eskuwela. Doon unti-unting nagkakilala. Sa paglipas ng mga araw at bawat semester na magkakasama, napatunayan na tayo … More Nasaan Na Nga Ba ang Barkada Ngayon?

Kuwento ni Makata

Narinig ko ang pintig ng kaniyang puso, ibinulong sa mga libro. Pabilis nang pabilis. Walang makapipigil anumang uri ng tukso. Upod man ang kaniyang sandata, kailanman ay di siya nabigo. Saksi ako sa iba’t ibang damdamin sa kaniya’y gumugulo. Nagkaroon ng mukha at liwanag ang kaniyang pagkatao. Iminulat ang mga mata upang makita ang tunay … More Kuwento ni Makata

#Depresyon

Depresyon (Sikolohiya) – Kondisyon ng labis na kalungkutan o pighati, pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan, kadalasang may pisikal na sintomas – UP Diksiyonaryong Filipino Naramdaman ko na ito. Noon, akala ko ay baka dala lang ng kahirapan sa buhay kaya ko iyon nararamdaman. Ngunit alam kong may mas malalim pang dahilan. Mahirap ipaliwanag. … More #Depresyon