Kuwento ni Makata

Narinig ko ang pintig ng kaniyang puso, ibinulong sa mga libro. Pabilis nang pabilis. Walang makapipigil anumang uri ng tukso.

Upod man ang kaniyang sandata, kailanman ay di siya nabigo. Saksi ako sa iba’t ibang damdamin sa kaniya’y gumugulo.

Nagkaroon ng mukha at liwanag ang kaniyang pagkatao. Iminulat ang mga mata upang makita ang tunay na Kristo.

Makalipas ang dantaon, kahit naroon na siya sa paraiso, ang kaniyang mensahe’y patuloy na nagbibigay ng enerhiko. Ginamit na sandata ng mga uhaw ang kaniyang simbolo—binasa, hinangaan, binagtas upang sa daan ay hindi malito.

Hindi ako mapapagod. Hinding-hindi,” lagi kong naririnig sa loob ko. Awit ay patuloy sa pagtugtog; kailanma’y di nilimot si Kiko.

Sandali! Naririnig ko ang iba’t ibang tinig, pagtula ay nakatutuliro! Nakikipag-unahan. Sumabay, sumapaw, humusga, at nakigulo! Dila ay umariba. Pakislot-kislot, pasundot-sundot, pabago-bago—sa pagbuka ng bibig, lahat ay humanga sa kaniyang mga inapo.

Hinihipan ng hangin ang mga salita; saan nga ba tutungo? Mga pangarap na nakasulat, paano at kailan magkakatotoo?kiko

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s