Nasaan Na Nga Ba ang Barkada Ngayon?

Unang araw ng klase. Wala tayong kibuan kahit panay ang pabida ng iba. Tahimik lang tayo sa isang tabi, nagmamasid sa kanila. Ngunit ang apat na sulok ng silid-aralan ay sadyang makapangyarihan. Kusa tayong nagpatangay sa agos ng eskuwela. Doon unti-unting nagkakilala.

Sa paglipas ng mga araw at bawat semester na magkakasama, napatunayan na tayo ay pinagkaisa…hanggang sa mabuo nag barkada.

Anim na babaeng may iba’t ibang personalidad, iba’t iba rin ang kinalakihan. Ngunit kung magtitipon ay sadyang kakaiba! Natutong umunawa sa pagkakamali ng isa. Natutong tumawa nang walang pakialam sa iba. Nagtutulungan at sinuportahan ang isa’t isa.

Ngunit di rin mawawala ang tampuhan, ang inggit, at kaunting kababawan. Saksi ang bawat silid na ating pinasukan, ang ST Canteen na ating kinainan, maging ang LM Library ay di rin nakatiis na sawayin tayo sa ating mga kulitan.

Saksi ang Adamson sa ating masasayang araw. Saksi rin ito sa ating mga tampuhan. Maging ang cr ay naging piping tagapakinig sa bawat hikbi at hinaing ng ating mga pusong nasasaktan.

Makasaysayan din ang SM Manila para sa atin. Tulad ng Popstar (ngayon ay wala na) na walang sawang nakikinig sa mga tinig nating paos na kakaawit (ako lang yata). Hindi rin pahuhuli ang Mcdo, kasama ang large fries at coke float, na madalas nating tambayan. Mas sumasarap ang lasa dahil sa mga usapan nating puso sa puso.

Dumating din ang panahon ng tag-lagas. Mabuti na lang at may salitang “libre” at “utang.” Ngunit mas masarap pa rin ang libre. (Hahaha)

Kahit may sariling mundo ang isa…

Kahit moody ang isa…

Kahit cool ang isa…

Kahit alaskador ang isa…

Buti na lang may isang mediator sa barkada!

Tamang-tama ang timpla natin sa isa’t isa.

Sana ay nasa puso rin ninyo ang nasa puso ko (WoW!), na kahit yumaman ka man, kahit magkaanak ka ng sampu, kahit napakaguwapo ng iyong mapapangasawa, mamatay man ang alaga kong ipis, sana ay manatili sa inyong mga puso na may Femme Intrepid na nabuo sa Adamson (endorsement ’to!)

Xemai – ekspresyon ng magaganda (ehem!)

V-Girls – hanggang kailan kaya? (lol)

(Sulat kina Jeverly, Maylany, Jennifer, Ritchel, at Ana noong Diyembre 6, 2007, panahon din ng exchange gift namin sa isa’t isa, sa may ST Quad)
Napasulat pa nga kao ng tula:

Hawak Kamay

I have a friend na mataray

laging nakataas ang kilay…

laging demanding yet understanding

partners in crime kami kung ituring.

I have a friend na kikay

cool na cool, ang tingkad ng kulay!

Choreographer ng grupo,

kahit minsa’y may sariling mundo.

I have a friend na pretty

but she is very moody

mataas ang IQ, pero sa EQ ewan ko…

basta alam ko, maasahan ng grupo!

I have a friend na iyakin

sensitive yet so malambing

she’s capable of making you happy

but sometimes she will make you naughty!

I have a friend na medyo sensitve

serious type but kayang makisabay

sa aming grupo siya ang gabay

sabay babanat ng Hawak Kamay!

Teka? Nasan na nga ba ang barkada ngayon?

grad with frends grad with grad

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s