Forever Tayo, Pangako!

Sabi mo “forever” tayo. Naniwala naman ako. Ang saya-saya ko pa noong nakilala kita. Sabi ko sa sarili ko, “Sa wakas! Naka-jackpot din ng guwapo!” Pangarap ko kasi magkaroon ng jowa na kamukha ni Daniel Padilla o ni James Reid.

Huh?! Ano?! Ang kapal ng mukha ko?! Bakit ba? Masama bang mangarap? Libre lang naman ito.

Hindi naman ako pahuhuli sa mga naggagandahang babae na napapanood ko sa TV. Lamang lang siguro sila sa make-up at may pera silang pambayad kay Dra. Vicky Belo. Ako? Ganda lang.

Pero bakit mo nga ba ako iniwan? Wala ka man lang pasabi. Hindi ko tuloy napaghandaan. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko. Akala ko pa naman tatanda tayo rito sa mundong ito na magkasama. Akala ko pa naman nandito, sa piling ko, ang hinahanap mong kaligayahan.

Ngunit bumitaw ka! Bumitaw ka agad sa mga kamay kong mahigpit ang pagkakahawak sa iyo. Walang salita. Luha lamang ang namagitan sa ating dalawa.

Sana, masaya ka na ngayon. Sana masaya ka na sa piling ng mga anghel.

Nasasabik na akong makapiling at mayakap ka.

Huwag kang mag-alala. Susundan kita riyan sa langit…

….upang ipagpatuloy ang pangako natin sa isa’t isa na “forever” tayo.

Monologo – pananalita sa dula ng isnag tauhan lamang; dula na may isang tauhan lamang; pananalita ng isang tao, karaniwan upang pangibabawan ang isang usapan

* Naisulat ko dahil nagpapagawa ng monologo ang kapatid kong si Grace na hindi dapat lalagpas sa tatlong minuto.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s