Pagsaludo kay Heneral Luna

Ikaw marahil si Mr. Suave sa iyong panahon,
dahil sa bigote mong nakakikiliti ng imahinasyon.

Pamilyar ako sa itsura mo dahil sa iyong bigote. Alam ko rin na isa kang heneral dahil karugtong lagi ito ng iyong pangalan. Kilala ko rin ang iyong kapatid na nagpinta ng Spolarium. Liban dito, wala na akong alam tungkol sa iyo.

Kaya, salamat po! Salamat sa mga taong bumuo, gumanap, at nagprodyus ng pelikulang Heneral Luna. Nang mapanood ko ito, ang aking pakiramdam ay nag-iba. Naghanap bigla ako ng katarungan para sa iyo, sa iyong ipinaglalaban.

Teka, hindi mawaglit sa aking isipan nang pinamili mo ako, kung bayan o sarili. Ang hirap ng iyong tanong. Kahit sa pelikula, walang direktang sumagot sa iyo. heneral

Palusot ko nalang na magkaiba kasi tayo ng panahon kaya ang hirap mong unawain. Pero sa pelikula naman nakikitawa ako sa mga linya mong dinadaan mo sa pagpapatawa. Natamaan din ako bilang Pilipino sa mga pasaring mo. Naliwanagan sa mga ipinaglalaban mo.

Oo nga pala, kinilig din ako dahil pumapag-ibig ka rin pala. Kay saklap nga lamang dahil ang laki ng nakaharang sa inyong dalawa. Di pa siguro uso ang forever noong panahon mo.

Higit akong napahanga sa ipinakita mong paggalang at pagmamahal sa iyong ina. Maka-ina ka ngang talaga! Kaya pala ibang klase ang pagtatanggol mo sa Inang Bayan.

Pasintabi lamang po. Ayoko mang sabihin, pero mukhang iisa lamang ang dinaanan ninyo ng idolo kong si Bonifacio. Pareho kayo ng tapang. Pareho kayong mapaghimagsik. Pareho kayong galit. Kaya siguro natakot sa inyo ang iba pa ninyong kasamahan. Inunahan na kayo kaysa sila ang maunahan.

Sana magpatuloy pa ang mga pelikulang tulad ng Heneral Luna. Makatotohan. Mahusay ang mga aktor.

Ginawa upang magsalaysay. Ginawa upang magpabago. Ginawa upang hamunin ang mga tagapagsalaysay ng ating kasaysayan. Ginawa upang panoorin ng lahat ng mga Pilipino.

Inaabangan ko rin sina del Pilar at Quezon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s