Palaisipan

Umaalingasaw na salita,

ikaw lamang ang ginantimpalaang makaamoy.

Sikretong naghihintay na mabunyag

sa tulad mong sabik sa dugo at laman.

Isang bugtong na kay tagal mong pinag-isipan,

magdamag na kasiping ng utak mong luntian.

Isang pag-ibig na laganap,

ngunit iilan lamang ang pinalad.

Isang kahapon na mahirap kalimutan,

at ang kasalukuyang pinipilit mong talikuran.

Isang gabing walang kayakap,

magdamag mong hinintay.

Mga titik na nilagyan ng tono

ngunit ang musika’y depende pa rin sa’yo.

Mga alaalang umuukit sa utak,

masakit, mahapdi, ngunit masarap.

Sino ba ako sa tingin mo?

Ako’y tula na naghihintay sa ’yo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s