Pabili ng Ekstrang Bayag

May ekstrang bayag ka ba?

Pabili naman!

Sukatan daw kasi yan

ng pagiging tunay na lalaki.

 

Oo, pabili naman!

Gusto ko yung malaki

’yung lumalaban,

’yung pangmatagalan,

’yung parang si Mr. Suave—

Matikas.

 

Pero mas gusto ko sana

’yung bayag

na di lang pamacho,

kundi

’yung bayag

na “bayag” talaga.

 

Maginoo.

 

Ano? May ekstra ka ba?

Pabili naman!

Ibibigay ko lang

sa dalawang lalaki

na nakasabay ko sa elevator.

Mga walang bayag kasi e!

Nauna pang sumakay

at bumaba

sa dalawang babae.

 

Mas malaki, mas epektib ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s