Pabili ng Ekstrang Bayag

May ekstrang bayag ka ba?
Pabili naman!
Sukatan daw kasi ’yan
ng pagiging tunay na lalaki.

Oo, pabili naman!
Gusto ko ’yung malaki
’yung lumalaban,
’yung pangmatagalan,
’yung parang si Mr. Suave—

Matikas.
Madulas.

Pero mas gusto ko sana
’yung bayag
na di lang pamacho,
kundi
’yung bayag
na bayag talaga!

Maginoo.
Mahinahon.

Ano? May ekstra ka ba?
Pabili naman!
Ibibigay ko lang
sa isang lalaki
na nakasabay ko kanina.
Walang bayag kasi, e!
Sinuntok ang kasamang babae.

Mas malaki, mas epektib ba?


One thought on “Pabili ng Ekstrang Bayag

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s