Hulagway

Kung isusulat ko ang aking nararamdaman
baka gumaan ang bigat ng sikmura kong sabik sa dugo at laman.

Kung isusulat ko ang tunog ng aking sikmura
baka maranasan ko ang tunay na kaligayahan.

Kung isusulat ko ang kalungkutang bumabalot sa aking katawan
baka umaliwalas ang paligid kong hungkag.

Kung isusulat ko ang sakit
baka mapawi na ang ating mapapait na alaala.

Kung isusulat ko ang takot
baka di ko na masilayan ang malamlam mong mga mata.

Kung isusulat ko ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan
baka tuluyan nang maglaho ang aking kaluluwa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s