Maingay ang Kalsada

Maingay ang kalsada, puno ng masisiglang bata— malalakas ang tawanan– na minsa’y nauuwi sa asaran.   Maingay ang kalsada, kumpulan ang mga bata, Jack-en-poy ang nilalaro sumisigaw ng gunting, papel, bato!   Maingay ang kalsada, habang nagtago ang isa at hinanap ng kasama— isang “pong’’ ang gumana!   Maingay ang kalsada, kinagiliwan ang langit habang … More Maingay ang Kalsada

Minsan Tayo ay Tumula

Hinihipan ng hangin ang mga salita; saan nga ba tutungo? Mga pangarap na nakasulat, paano at kailan magkakatotoo? Sino ang hindi nangangarap?—ako, sila, maging kayo, Nabubuhay sa mga salitang umuukit sa ating pagkatao, Naghahanap ng paraan upang mailabas ang nasa ulo, Bumibira, bumabara, humihinga—mabuhay po tayo!