Maingay ang Kalsada

Maingay ang kalsada,

puno ng masisiglang bata—

malalakas ang tawanan–

na minsa’y nauuwi sa asaran.

 

Maingay ang kalsada,

kumpulan ang mga bata,

Jack-en-poy ang nilalaro

sumisigaw ng gunting, papel, bato!

 

Maingay ang kalsada,

habang nagtago ang isa

at hinanap ng kasama—

isang “pong’’ ang gumana!

 

Maingay ang kalsada,

kinagiliwan ang langit

habang nakatuntong sa lupa

sabay takbo, hubad ang mga paa.

 

Maingay ang kalsada noon…

hindi pa uso ang hari at reyna

sa kahariang ’di matanaw—

habang ika’y nakaupo sa huwad na trono…

 

Maingay ang kalsada…

noong ’di pa uso ang dota.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s