Saglit na Pag-alala

 

Halika, magsiping tayo. Hahaplusin kita, hahaplusin mo ako. Hintayin nating magbaga ang ating katawan. Mabagal hanggang sa pabilis nang pabilis…Humihingal…

Ilang sandali pa ang lumipas at nakatitig sa kisame ang aking mga mata—dilat, namumuti, naluluha. At malungkot kitang tinanong: Kailan ka ulit babalik sa aking panaginip?

***

Sabi ng iba, mahalin ko raw ang taong mas mahal ako. Pakiusap, mahalin mo naman ako kahit hindi kasintindi ng pagmamahal ko sa iyo, kahit hindi higit sa inaasam ko.

***

Sampung taon na ang nakalipas nang una tayong magkasalubong at ito ang pangalawang pagkakataon. Hayaan mo, nakahanda ulit akong maghintay ng panibagong sampung taon upang tayo ay muling magkasalubong—sa dating lugar, sa parehong panahon.

***

May nabalitaan akong ikinatuwa ng puso ko, pero huli na dahil nasambit ko na ang “oo” sa ibang tao.

***

Darating ang panahon, tayo ay muling magkikita. Hiling ko lamang, maging matapang tayong titigan ang isa’t isa habang hawak ang kamay ng iba.

***

Balita ko ay masaya ka sa piling niya. May nabalitaan ka na ba tungkol sa akin?

***

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s