Nang tayo ay magsiping sa lilim ng mga bituin,
Ang kapanglawan ng buwan ay hindi mailihim,
Kahit pa pilit siyang sa mga ulap ay magkubli,
Naaninag ko pa rin ang panibughong pilit sinusupil.
Nang ako ay iyong inangkin sa lilim ng mga bituin,
Tinataglay nilang liwanag ay iyo ring naangkin,
At sabay-sabay napasigaw nang magpakita ang bulalakaw.
Sila pa ang humiling na ’wag sanang matapos ang gabi.
Larawang kuha ni Philipp Salzgeber (Wikipedia)
Advertisements