Babangon pa rin Ako

salin ng tulang “Still I Rise” ni Maya Angelou (1928-2014)

Maaari mo akong isulat sa kasaysayan,

Nang may mapait, mga balu-baluktot na kasinungalingan,

Maaaring nayurakan mo ako hanggang sa marumihan,

Gayunman, tulad ng alabok, babangon pa rin ako.

 

Nababahala ka ba sa aking kagaspangan?

Bakit ka nababalot ng kalungkutan?

Dahil ba sa lakad kong tila nagkaroon ng langis sa balon

Na pumipintig sa aking silid-tanggapan.

 

Tulad ng mga buwan at ng mga araw,

Na may katiyakan sa pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat,

Tulad ng mga pag-asang umiigkas paitaas,

Babangon pa rin ako.

 

Nais mo ba akong makitang durog-durog?

Yuko ang ulo at nakababa ang tingin?

Bagsak ang mga balikat na tila bumabagsak na luha,

Pinahihina ng aking madamdaming pagluha?

 

Nasasaktan ka ba dahil sa aking kapalaluan?

Huwag kang masyadong kilabutan

Dahil humahagikgik akong tila nakahukay ng ginto

Sa sarili kong bakuran.

 

Maaari mo akong panain ng iyong mga salita,

Maaari mo akong hiwain ng iyong mga mata,

Maaari mo akong patayin ng iyong pagkamuhi,

Gayunman, tulad ng hangin, babangon pa rin ako.

 

Nababalisa ka ba sa aking kaseksihan?

Nakagugulat ba na nagsasayaw ako

Na tila nakakuha ako ng mga diyamante

Sa hugpungan ng aking mga hita?

 

Sa lahat ng pagpapahiya ng kasaysayan

Babangon ako

Patayo mula pinag-ugatang sakit ng nakaraan,

Babangon ako

Ako na isang itim na dagat, umaagos at malawak,

Nakayanan ko ang pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat.

 

Sa kabila ng mga gabing puno ng sindak at takot

Babangon ako

Sa nakamamaghang aliwalas ng bukang-liwayway

Babangon ako

Dala ang mga regalong pamana ng aking mga ninuno,

Ako ang pangarap at ang pag-asa ng alipin.

Babangon ako

Babangon ako

Babangon ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s