Mga Kahong Walang Tanda (ni Rumi)

(salin sa Filipino ng “Unmarked Boxes” nina John Moyne at Coleman Barks)

Huwag tumangis. Anumang mawala ay bumabalik
sa ibang anyo. Ang anak na sa gatas ng ina lamang nabuhay
ngayon ay umiinom ng pinaghalong alak at pulut.

Ang pagpapala ni Allah ay palipat-lipat lamang sa mga kahong walang tanda,
mula sa selula patungong selula. Tulad ng tubig-ulan, pababa
sa punlaan ng mga bulaklak.
Kapag umusbong, pataas mula sa lupa.
Ngayo’y tila isang pinggan ng kanin at isda,
ngayo’y isang banging nababalot ng mga ligaw na damo,
ngayo’y isang kabayong sinasakyan.
Nagtatago ito mula sa kaibuturan,
hanggang isang araw ito’y nabiyak at nabuksan.

Ilang bahagi ng ating pagkatao ay naiiwan sa ating pagtulog
at nagbabago ang hugis. Maaari mong sabihin, “Noong isang gabi
ako ay isang puno ng sipres, isang maliit na punlaan ng tulip,
o isang taniman ng ubas.” Hanggang sa mawala ang ilusyon.
Bumalik ka sa isang silid.
Ayokong may mga taong natatakot.
Pakinggan ang natatagong kahulugan ng aking sinasabi.

Fa’ilatun fa’ilatun fa’ilatun fa’ilat.
May gintong liwanag ang trigong nasisinagan ng araw
at ang tinapay na ginto ay gawa mula sa trigo.
Wala ako kahit ano niyan. Nagsasalita lamang ako tungkol sa kanila,
hanggang ang bayan sa disyerto ay tumingala
sa mga bituin sa maaliwalas na gabi.

* Fa’ilatun fa’ilatun fa’ilatun fa’ilat – ang taludtod na ito ay mga salita o parirala na ginagamit upang ipakita ang mga uri ng poetic foot o ang batayang sukat ng ritmo na binubuo ng pangkat ng mga pantig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s