Ang Pag-ibig ay Magluluwat Kahit may mga Panahong Kailangan nang Mahimlay

Kung kaya mo pang magpatuloy kahit marami na ang huminto sa pagtahak sa landas kung saan ang Pag-ibig ay pinili nating makatagpo… Kung kaya mo pang sumúong kahit marami na ang nananatiling nakayuko sa pagharap sa mga pangitain na unti-unting lumilinaw; sa mga pangarap na unti-unting nabubuo… (Alalahanin mo sanang may mga lunggati na hindi … More Ang Pag-ibig ay Magluluwat Kahit may mga Panahong Kailangan nang Mahimlay

Samalamig

Lumaki ako sa Obando na hindi natutuhan Pagsayaw ng pandanggo ni pagtugtog ng bumbong, Pag-alay sa tatlong patron ni paghingi ng tulong. Aaminin ko, natutuhan ko’y ibang abaruray. Alam ko kung paano kumilos nang masigla’t mabilis Upang paghaluin ang mga sangkap sa garapon, Upang magkaroon ng kulay at lasa ang tubig. Patatamisin, pasasarapin bago paluluhain … More Samalamig

Mga kaisipan na aking napagnilayan ukol kay Balagtas sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan

Dahil ipinagdiriwang ngayong araw, Abril 2, ang kaarawan ng dakilang makatang Bulakenyo na si Francisco Balagtas, magbabahagi ako ng anim na kaisipan na aking napagnilayan ukol sa kaniyang talambuhay. Matapang ang taong tapat kung umibig. Alam ng lahat na si Balagtas ay isang mangingibig. Ayon sa nakalimbag niyang talambuhay na Kun Sino ang Kumatha ng … More Mga kaisipan na aking napagnilayan ukol kay Balagtas sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan

Ang Sakit at Biyayang Dulot ng Bagong Saltang Nilalang (Isang Parabula)

Isang alimango ang napadpad sa kaharian ng mga langgam. Magiliw siyang tinanggap ng reyna at sinaluduhan pa ng mga kawal ng kaharian. Sa una, siya ay nanggilalas sa mahahabang linya na tila sumasayaw at nawili sa nakamamanghang galaw ng mga ga-tuldok na nilalang. Nang mainip, inaya ng alimango ang mga langgam na makipaglaro, ngunit hindi … More Ang Sakit at Biyayang Dulot ng Bagong Saltang Nilalang (Isang Parabula)

Sampung Napagnilayan Hinggil sa CHEd Memorandum Order Blg. 20, s. 2013

1. Marahil ay napakahusay o higit na pinaiigting ngayon ang pagtuturo ng Filipino at ng panitikang Pilipino sa elementarya at hay-iskul kaya may ilang naninindigan na hindi na kailangan itong pag-aralan pa sa kolehiyo. 2. Marahil ay umaasa na ang iilang tagasulong nito na madunong na ang mga mag-aaral pagtuntong sa kolehiyo kaya hindi na … More Sampung Napagnilayan Hinggil sa CHEd Memorandum Order Blg. 20, s. 2013