Buntonghininga

Nakita na naman kitang nakatingin sa mga tala, Hiling kong may dumating, sabi mo. Marami namang dumating, sagot ko. Ang mga dumating ay agad ding umalis, katwiran mo. Bakit ba umalis?, tanong ko. Dahil naghihintay ako sa wala, sagot mo. Malay mo, sa isang iglap ay may isang taong dumating na bigla ka na lamang … More Buntonghininga

Saglit na Pag-alala

  Halika, magsiping tayo. Hahaplusin kita, hahaplusin mo ako. Hintayin nating magbaga ang ating katawan. Mabagal hanggang sa pabilis nang pabilis…Humihingal… Ilang sandali pa ang lumipas at nakatitig sa kisame ang aking mga mata—dilat, namumuti, naluluha. At malungkot kitang tinanong: Kailan ka ulit babalik sa aking panaginip? *** Sabi ng iba, mahalin ko raw ang … More Saglit na Pag-alala

Trese

Ano ba naman ang trese na nakapagitan sa atin? Numero lang ’yan, madaling lutasin. Maaari namang ibaba upang ika’y bumata. Maaari namang umakyat upang ako’y tumanda. Numero lang ’yan, huwag nang gawing usapin. Hindi naman balakid sa pagmamahalan natin. Ikaw naman ay mukhang bata. Ako naman ay mukhang matanda. Pinagtagpo ng tadhana, Pinagtibay upang di … More Trese