Pag-asa

Isilang. Isinilang ang bawat isa sa atin nang walang muwang. Binigyan ng hininga. Binigyan ng buhay. Binigyan ng pag-asa. At lubos akong umaasa. Lubos akong naaakit na galawin at tuluyang angkinin ang mga salita. Isulat. Handa na akong isulat sila ngunit mayroon pa ring alinlangan sa aking kalooban. Maraming humahadlang. Maraming humihila sa kaniya palayo … More Pag-asa

Buntonghininga

Nakita na naman kitang nakatingin sa mga tala, Hiling kong may dumating, sabi mo. Marami namang dumating, sagot ko. Ang mga dumating ay agad ding umalis, katwiran mo. Bakit ba umalis?, tanong ko. Dahil naghihintay ako sa wala, sagot mo. Malay mo, sa isang iglap ay may isang taong dumating na bigla ka na lamang … More Buntonghininga

Galit Ako!

Galit ako sa iyo, ikaw na siyang pinagpala! Galit ako sa iyo, ikaw na walang isang salita! Galit ako sa iyo, ikaw na lubos na nagpaasa! Galit ako sa iyo, ikaw na nabubulok na sistema!   Galit ako sa aking sarili, ako na hindi marunong magpahalaga! Galit ako sa aking sarili, ako na maraming nais … More Galit Ako!

Saglit na Pag-alala

  Halika, magsiping tayo. Hahaplusin kita, hahaplusin mo ako. Hintayin nating magbaga ang ating katawan. Mabagal hanggang sa pabilis nang pabilis…Humihingal… Ilang sandali pa ang lumipas at nakatitig sa kisame ang aking mga mata—dilat, namumuti, naluluha. At malungkot kitang tinanong: Kailan ka ulit babalik sa aking panaginip? *** Sabi ng iba, mahalin ko raw ang … More Saglit na Pag-alala

Maingay ang Kalsada

Maingay ang kalsada, puno ng masisiglang bata— malalakas ang tawanan– na minsa’y nauuwi sa asaran.   Maingay ang kalsada, kumpulan ang mga bata, Jack-en-poy ang nilalaro sumisigaw ng gunting, papel, bato!   Maingay ang kalsada, habang nagtago ang isa at hinanap ng kasama— isang “pong’’ ang gumana!   Maingay ang kalsada, kinagiliwan ang langit habang … More Maingay ang Kalsada