Elias

Kahit may Salome akong karibal, na itinuturing mong “mahal na kaibigan.” Ikaw pa rin ang aking pinakamamahal sa lahat ng tauhang binuo ni Rizal. Advertisements

Samalamig

Garapong nilagyan ng iba’t ibang sangkap, Namamawis sa lamig, pagmasdan anong sarap, Lasahan ang tamis, tama na ang paglanghap, Lagukin bawat patak nang malasahang ganap. Pinagpala ng mga santo ang kamay sa paghalo ni Mama na lumaki at namulat doon sa Obando, Sa kaniya ko natutuhan ang pagtitimpla’y di biro, Bawat pagsalok ng sandok, bulsa’y … More Samalamig

Buntonghininga

Nakita na naman kitang nakatingin sa mga tala, Hiling kong may dumating, sabi mo. Marami namang dumating, sagot ko. Ang mga dumating ay agad ding umalis, katwiran mo. Bakit ba umalis?, tanong ko. Dahil naghihintay ako sa wala, sagot mo. Malay mo, sa isang iglap ay may isang taong dumating na bigla ka na lamang … More Buntonghininga

Babangon pa rin Ako

salin ng tulang “Still I Rise” ni Maya Angelou (1928-2014) Maaari mo akong isulat sa kasaysayan, Nang may mapait, mga balu-baluktot na kasinungalingan, Maaaring nayurakan mo ako hanggang sa marumihan, Gayunman, tulad ng alabok, babangon pa rin ako.   Nababahala ka ba sa aking kagaspangan? Bakit ka nababalot ng kalungkutan? Dahil ba sa lakad kong … More Babangon pa rin Ako

Galit Ako!

Galit ako sa iyo, ikaw na siyang pinagpala! Galit ako sa iyo, ikaw na walang isang salita! Galit ako sa iyo, ikaw na lubos na nagpaasa! Galit ako sa iyo, ikaw na nabubulok na sistema!   Galit ako sa aking sarili, ako na hindi marunong magpahalaga! Galit ako sa aking sarili, ako na maraming nais … More Galit Ako!

Saglit na Pag-alala

  Halika, magsiping tayo. Hahaplusin kita, hahaplusin mo ako. Hintayin nating magbaga ang ating katawan. Mabagal hanggang sa pabilis nang pabilis…Humihingal… Ilang sandali pa ang lumipas at nakatitig sa kisame ang aking mga mata—dilat, namumuti, naluluha. At malungkot kitang tinanong: Kailan ka ulit babalik sa aking panaginip? *** Sabi ng iba, mahalin ko raw ang … More Saglit na Pag-alala

Maingay ang Kalsada

Maingay ang kalsada, puno ng masisiglang bata— malalakas ang tawanan– na minsa’y nauuwi sa asaran.   Maingay ang kalsada, kumpulan ang mga bata, Jack-en-poy ang nilalaro sumisigaw ng gunting, papel, bato!   Maingay ang kalsada, habang nagtago ang isa at hinanap ng kasama— isang “pong’’ ang gumana!   Maingay ang kalsada, kinagiliwan ang langit habang … More Maingay ang Kalsada