Saglit na Pag-alala

  Halika, magsiping tayo. Hahaplusin kita, hahaplusin mo ako. Hintayin nating magbaga ang ating katawan. Mabagal hanggang sa pabilis nang pabilis…Humihingal… Ilang sandali pa ang lumipas at nakatitig sa kisame ang aking mga mata—dilat, namumuti, naluluha. At malungkot kitang tinanong: Kailan ka ulit babalik sa aking panaginip? *** Sabi ng iba, mahalin ko raw ang … More Saglit na Pag-alala

Minsan Tayo ay Tumula

Hinihipan ng hangin ang mga salita; saan nga ba tutungo? Mga pangarap na nakasulat, paano at kailan magkakatotoo? Sino ang hindi nangangarap?—ako, sila, maging kayo, Nabubuhay sa mga salitang umuukit sa ating pagkatao, Naghahanap ng paraan upang mailabas ang nasa ulo, Bumibira, bumabara, humihinga—mabuhay po tayo!

Hulagway

Kung isusulat ko ang aking nararamdaman baka gumaan ang bigat ng sikmura kong sabik sa dugo at laman. Kung isusulat ko ang tunog ng aking sikmura baka maranasan ko ang tunay na kaligayahan. Kung isusulat ko ang kalungkutang bumabalot sa aking katawan baka umaliwalas ang paligid kong hungkag. Kung isusulat ko ang sakit baka mapawi … More Hulagway