Sampung Napagnilayan Hinggil sa CHEd Memorandum Order Blg. 20, s. 2013

1. Marahil ay napakahusay o higit na pinaiigting ngayon ang pagtuturo ng Filipino at ng panitikang Pilipino sa elementarya at hay-iskul kaya may ilang naninindigan na hindi na kailangan itong pag-aralan pa sa kolehiyo. 2. Marahil ay umaasa na ang iilang tagasulong nito na madunong na ang mga mag-aaral pagtuntong sa kolehiyo kaya hindi na … More Sampung Napagnilayan Hinggil sa CHEd Memorandum Order Blg. 20, s. 2013

Paglaban sa Mga Ritwal ng Panliligalig

“Bahay-bahayan” Maliit pa si Nene, marunong nang manahi. -isang bugtong Sinakop ng dayuhang sensasyon ang aking kamalayan nang maglaro kami sa lihim na lagusan. Huwag daw akong maingay nang lumigaya ang aming samahan— ang samahan ng mag-asawa sa munting bahay-bahayan. Ako ang nanay. Magluto na raw ako ng masarap na hapunan. Siya ang tatay. Inihain … More Paglaban sa Mga Ritwal ng Panliligalig

Anina

Hindi ko sinasadyang makita ang aklat ni Eugene Y. Evasco na pinamagatang Anina ng mga Alon (2002) sa Manila International Book Fair (MIBF) noong Setyembre 13, 2018. Napa-wow ako bigla nang makita ko ito sa booth ng Adarna House, ang naglathala ng nobela, at agad itong binili. Nalaman ko lang ang ukol sa Anina ng … More Anina

Adlaw ng Paggawa

Bilang pakikiisa sa Araw ng Paggawa, naglunsad kami ng #DalitNgPaggawa para sa #AdlawNgPaggawa sa #Vibal kung saan ang mga manggagawa ay lilikha ng sariling dalit (tradisyonal na tula na may sukat na wawaluhin) na nauukol sa paggawa. Higit pong layunin ng gawaing ito na makapagpahayag sa positibong paraan ang mga manggagawa at makapagpasalamat sa biyaya … More Adlaw ng Paggawa

Pag-asa

Isilang. Isinilang ang bawat isa sa atin nang walang muwang. Binigyan ng hininga. Binigyan ng buhay. Binigyan ng pag-asa. At lubos akong umaasa. Lubos akong naaakit na galawin at tuluyang angkinin ang mga salita. Isulat. Handa na akong isulat sila ngunit mayroon pa ring alinlangan sa aking kalooban. Maraming humahadlang. Maraming humihila sa kaniya palayo … More Pag-asa

Babangon pa rin Ako

salin ng tulang “Still I Rise” ni Maya Angelou (1928-2014) Maaari mo akong isulat sa kasaysayan Nang mapait, mga balu-baluktot na kasinungalingan, Maaaring nayurakan mo ako noon hanggang sa marumihan, Gayunman, tulad ng alabok, babangon pa rin ako. Nababahala ka ba sa aking kagaspangan? Bakit ka nababalot ng kalungkutan? Dahil ba sa lakad kong tila … More Babangon pa rin Ako