Palaisipan

Umaalingasaw na salita, ikaw lamang ang ginantimpalaang makaamoy. Sikretong naghihintay na mabunyag sa tulad mong sabik sa dugo at laman. Isang bugtong na kay tagal mong pinag-isipan, magdamag na kasiping ng utak mong luntian. Isang pag-ibig na laganap, ngunit iilan lamang ang pinalad. Isang kahapon na mahirap kalimutan, at ang kasalukuyang pinipilit mong talikuran. Isang … More Palaisipan

Time Machine, Please.

Oo, babalik ako. Pero hindi para balikan ang dating ako. Yung palamura, di umiimik, laging seryoso, laging galit, laging nag-iisip—nag-iisip ng mga bagay na walang kabuluhan, puro negatibo, at walang patutunguhan. Nagkukulong sa kuwarto matapos ang eskuwela o pagkatapos tumulong sa tindahan. Hindi ako babalik sa ganito. Hindi ko babalikan ang yugtong ito. Medyo masalimuot … More Time Machine, Please.

Subok Lang

Tapos na ang rtp deadline ko sa trabaho kaya balik blog ako. Nakatatamad ding magtrabaho sa ganitong panahon pero kailangang pasukan para di mabawasan ang sweldo, higit ngayong wala na akong natitirang sick/vacation leave. Nag-iisip ako ng maaaring maging paksa ng blog ko ngayon, kaso walang masagap na signal ang utak ko. Pilitin ko kayang … More Subok Lang

Sa Kung Paano Hinabi

(salin sa Filipino ng Tula ni Rumi mula sa bersiyong English ni Coleman Barks) “Ang daan ay puno ng dalisay na sakripisyo. Ang talahibang nakaharang sa iyong landas ay anumang nagpapanatili sa iyo roon, anumang takot ay sisira sa’yo sa maliliit na piraso tulad ng salaming bote. Ang landas na ito ay nangangailangan ng katatagan … More Sa Kung Paano Hinabi

Trese

Ano ba naman ang trese na nakapagitan sa atin? Numero lang ’yan, madaling lutasin. Maaari namang ibaba upang ika’y bumata. Maaari namang umakyat upang ako’y tumanda. Numero lang ’yan, huwag nang gawing usapin. Hindi naman balakid sa pagmamahalan natin. Ikaw naman ay mukhang bata. Ako naman ay mukhang matanda. Pinagtagpo ng tadhana, Pinagtibay upang di … More Trese