Samalamig

Lumaki ako sa Obando na hindi natutuhan Pagsayaw ng pandanggo ni pagtugtog ng bumbong, Pag-alay sa tatlong patron ni paghingi ng tulong. Aaminin ko, natutuhan ko’y ibang abaruray. Alam ko kung paano kumilos nang masigla’t mabilis Upang paghaluin ang mga sangkap sa garapon, Upang magkaroon ng kulay at lasa ang tubig. Patatamisin, pasasarapin bago paluluhain … More Samalamig

Kung—

(salin sa Filipino ng “If—” ni Rudyard Kipling) Kung kaya mong magpatuloy kahit pa ang lahat ng iyo Ay nawala at lahat ng sisi ay sa iyo nakabunton; Kung may tiwala ka pa sa sarili kahit ang lahat ay nag-aalinlangan sa iyo, Ngunit kaya mo ring pataan ang kanilang mga pag-aalinlangan: Kung kaya mong maghintay … More Kung—

Kumpisal ng Lakwatserong Panulat (Tula para kay Francisco Balagtas

Narinig ko ang pintig ng kaniyang puso, ibinulong sa mga libro, Pabilis nang pabilis, walang makapigil anumang uri ng tukso. Kumawala sa gapos ang dunong ng romantiko, Nagmasid, naghanap, nagtanong kung ano ang totoo, Nakipagtagisan, sabay bigkas ng “papel, gunting, bato!” Sa matataas na alon walang humpay na nakipagtalo. Upod man ang kaniyang sandata, kailanman … More Kumpisal ng Lakwatserong Panulat (Tula para kay Francisco Balagtas

Muling Natapos ang Gabi

Muling natapos ang gabi nang kumakalam ang sikmurang iba ang kinain kaninang umagahan. Muling natapos ang gabi nang walang agahan kundi ang kahubdang pilit nagsusumiksik sa lagusan. Muling natapos ang gabi nang walang pagkasawa ang mga matang iba naman talaga ang nais pagmasdan. Muling natapos ang gabi nang walang naramdamang galit ni pag-ibig man sa … More Muling Natapos ang Gabi

Elias

Kahit may Salome akong karibal, na itinuturing mong “mahal na kaibigan.” Ikaw pa rin ang aking pinakamamahal sa lahat ng tauhang binuo ni Rizal.

Samalamig

Garapong nilagyan ng iba’t ibang sangkap, Namamawis sa lamig, pagmasdan anong sarap, Lasahan ang tamis, tama na ang paglanghap, Lagukin bawat patak nang malasahang ganap. Pinagpala ng mga santo ang kamay sa paghalo ni Mama na lumaki at namulat doon sa Obando, Sa kaniya ko natutuhan ang pagtitimpla’y di biro, Bawat pagsalok ng sandok, bulsa’y … More Samalamig