Kumpisal ng Lakwatserong Panulat (Tula para kay Francisco Balagtas

Narinig ko ang pintig ng kaniyang puso, ibinulong sa mga libro, Pabilis nang pabilis, walang makapigil anumang uri ng tukso. Kumawala sa gapos ang dunong ng romantiko, Nagmasid, naghanap, nagtanong kung ano ang totoo, Nakipagtagisan, sabay bigkas ng “papel, gunting, bato!” Sa matataas na alon walang humpay na nakipagtalo. Upod man ang kaniyang sandata, kailanman … More Kumpisal ng Lakwatserong Panulat (Tula para kay Francisco Balagtas

Muling Natapos ang Gabi

Muling natapos ang gabi nang kumakalam ang sikmurang iba ang kinain kaninang umagahan. Muling natapos ang gabi nang walang agahan kundi ang kahubdang pilit nagsusumiksik sa lagusan. Muling natapos ang gabi nang walang pagkasawa ang mga matang iba naman talaga ang nais pagmasdan. Muling natapos ang gabi nang walang naramdamang galit ni pag-ibig man sa … More Muling Natapos ang Gabi

Elias

Kahit may Salome akong karibal, na itinuturing mong “mahal na kaibigan.” Ikaw pa rin ang aking pinakamamahal sa lahat ng tauhang binuo ni Rizal.

Samalamig

Garapong nilagyan ng iba’t ibang sangkap, Namamawis sa lamig, pagmasdan anong sarap, Lasahan ang tamis, tama na ang paglanghap, Lagukin bawat patak nang malasahang ganap. Pinagpala ng mga santo ang kamay sa paghalo ni Mama na lumaki at namulat doon sa Obando, Sa kaniya ko natutuhan ang pagtitimpla’y di biro, Bawat pagsalok ng sandok, bulsa’y … More Samalamig

Pag-asa

Isilang. Isinilang ang bawat isa sa atin nang walang muwang. Binigyan ng hininga. Binigyan ng buhay. Binigyan ng pag-asa. At lubos akong umaasa. Lubos akong naaakit na galawin at tuluyang angkinin ang mga salita. Isulat. Handa na akong isulat sila ngunit mayroon pa ring alinlangan sa aking kalooban. Maraming humahadlang. Maraming humihila sa kaniya palayo … More Pag-asa